Questions


August 2022 1 3 Report
Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.

PAGKAKAISA SA BAYANIHAN

Sa mga nagdaang panahon, kilala ang mga Pilipino sa pagiging matulungin.
Kahit sinong kapuwa-tao ang nangangailangan, siguradong nariyan ang mga Pilipinong handang dumamay.
Mula sa isang batang nadapa sa kalye, asahang may isang ale na magtatayo sa kaniya; mula sa isang pulubing nanghihingi ng limos, tiyak na may magbibigay sa kaniya; mula sa isang pamilyang nasunugan, asahang may magbibigay sa kanila ng mga lumang damit; at mula sa komunidad na biktima ng bagyo at baha, asahang may magbibigay ng donasyon sa kanila.
Sa mga Pilipino, isang simbolo ng pagtutulungan ang gawaing bayanihan.
Bayanihan ang tawag sa pagkakaisang nagpapagaan ng anumang uri ng gawain sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagdadamayan.
Maraming gawain ang maituturing na bayanihan.
Isa na rito ang pagbubuhat ng isang buong bahay.
Makikitang tulong-tulong ang lahat hanggang mailipat ito sa ibang lugar.
Mula sa sama-samang lakas ng bawat isa at bukal sa pusong pagtulong sa kapuwa, kitang-kita kung paano kumikilos ang mga Pilipino bilang isang bansa.

1. Tungkol saan ang pangkalahatang paksa ng iyong binasang talata? *

a. Pagkakaisa sa Bayanihan
b. Pagtutulungan ng mga Pilipino
c. Kabaitan ng mga Pilipino
d. Masunurin ang mga Pilipino

2. Anong paksa ang tinutukoy sa unang talata? *

a. Pagkakaisa sa Bayanihan
b. Pagiging Matulungin ng mga Pilipino
c. Kabaitan ng mga Pilipino
d. Pagiging Masunurin ng mga Pilipino

3. Anong paksa ang tinutukoy sa ikalawang talata? *

a. Mga gawain ng Pilipino
b. Pagkilos ng mga Pilipino para sa bansa
c. Bayanihan ng mga Pilipino
d. Pagkakawatak watak ng mga Pilipino

4. Ano ang ibig sabihin ng salitang bayanihan? *

a. Tawag sa pagkakaisang nagpapagaan ng anumang uri ng gawain sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagdadamayan.
b. Pagkakawatak-watak ng mga Pilipino c. Pagdadamutan ng magkakapitbahay
d. Pagmamahalan ng bawat isa

5. Bilang isang batang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kapwa? *

a. Hayaang magutom ang kapitbahay na nasunugan.
b. Tulungan ang kapitbahay na nangangailangan.
c. Laging isara ang bahay para walang makapasok na namamalimos.
b. Huwag pansinin ang mga taong humihingi ng tulong.

sana naman po ayusin nyo yung sagot​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.