Basahin ang sumusunod at tukuyin kung anong damdamin mayroon sa uri ng
pagbibigay. Isulat ang titik ng napiling sagot at ipaliwanag. Gawin ito sa sagutang
papel.
A. Napilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
1. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng
lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima
sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at
higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang
makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang

5

pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na
pagdalaw sa mga ito.
3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief
goods sa covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang
nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na
ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga delatang malapit
nang masira.
4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng
bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng
dalawang sakong bigas at mga damit.
5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang
samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may kasipagan at
kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa inyong paaralan ng samahang ito ang
mga kailangan ninyo sa pag-aaral.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.