Questions


September 2022 1 2 Report
Basahin ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong ukol dito.

Iligtas ang Mundo
Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang naranasan ng tao kung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tag-araw. Kung tag-ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran.

Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong tubig. Dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang- dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng red tide. Ano ang kakainin natin?

Maging ang mga estero sa lungsod ay nagbabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinom natin ay di na rin ligtas. Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin. Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing ilog at dalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang tigil na pagbuga ng usok mg mga pabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, ang pagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Isa ang epekto nito ay paghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin.

Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pasunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala ang matatabang lupa. Dahil dito wala nang makapitan ang mga ugat ng puno. Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha ng lupa sa mababang lugar.

Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Ligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap.



1. Ilang talata ang bumubuo sa katawan ng sanaysay? *
1 point
a. isa
b. dalawa
c. tatlo
d. apat

2. Ano ang itinuturong dahilan ng pag-iiba-iba ng panahon? *
1 point
a. Pangagalaga ng mga tao sa kalikasan.
b. Pagpapabaya ng tao sa kalikasan.
c. Pagkakaroon ng ulan.
d. Pagkakaroon ng init.

3. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng polusyon sa tubig? *
1 point
a. Pagkamatay ng mga isda at lamang-dagat.
b. Pagbara ng mga estero.
c. Pagkakaroon ng sakit sa baga.
d. Pagguho ng lupa.

4. Ano ang masamang epekto ng pagkakaingin ng mga magsasaka? *
1 point
a. Nagkakaroon sila ng lupang taniman.
b. Nagiging mataba ang lupang taniman.
c. Gumuguho ang lupa dahil at nawawala ang matabang lupa.
d. Mas marami ang inaaning panan

5. Saang bahagi ng sanaysay makikita ang solusyon sa problemang binaggit sa unahan? *
1 point
a. Panimula
b. Katawan
c. Wakas
d. Pamagat

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.