Basahin ang mga kuwento ng pangarap at pagsisikap. Sagutin ang gabay na tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel

Buhay Kalye

Sa ilalim ng tulay lumaki si Nestor. Dama niya ang hirap ng
buhay, sa bawat araw na nagdadaan pinapangako niya sa
sarili niya na malalampasan din nila ito at ang pangarap na
maalwang buhay ay mapapasakanila. Maaga siyang
bumabangon upang magtinda ng tinapay at maglako ng mga
pahayagan bago pumasok sa paaralan. Pagkagaling sa
paaralan bago siya umuwi ay pinapasyalan niya ang isang
malaking bahay na may maraming sasakyan at sinasabi sa
sariling magkakaroon ako niyan. Ang kaniyang sipag, tiyaga at determinasyong maabot ang
pangarap ang nagtulak sa kaniya upang makapagtapos ng pag-aaral at maging magaling na
arkitekto. Ang bunga ng kaniyang pangarap ay higit pa sa kaniyang inaasahan maliban sa
malaking bahay at maraming sasakyan, may sarili na rin siyang opisina at tindahan ng
construction supply.

Mikropono ng Buhay

Si Lyca Gairanod ang unang nanalo sa The Voice Kids,
patimpalak ng isang istasyon ng telebisyon. Mula sa isang
mahirap na pamilya sa Cavite si Lyca. Sa mga araw na wala
siyang pasok sa eskwela siya ay nangangalakal, maliban dito
ang kaniyang mumunting talento sa pag-awit ay
napakikinabangan niya rin upang kumita at makatulong sa
kanilang gastusin sa pamilya. Ang talento at pangarap ni Lyca
na matulungan ang kaniyang mga magulang at ang mga taong naniniwala sa kaniyang galing
ang nagtulak sa kaniya upang sumali sa patimpalak na nabanggit. Sa bawat pagtatanghal
niya buong husay niya itong ginagawa dahil naniniwala siya na kailangan niyang manalo
upang ang pangarap na maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya ay mangyari. Ang
kagustuhan niyang manalo at maisakatuparan ang pangarap ang naging susi niya upang
manalo bilang kauna-unahang “The Voice Kids Grand Winner”. Lubos ang tiwala niya na
biyaya ng Diyos ang lahat ng inaaning tagumpay kaya lalo pa niya itong pinagbubuti.

Gabay na Tanong:
Paano nakamit ng mga pangunahing tauhan sa mga kwento ang tagumpay?
Ipaliwanag.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.