Basahin ang maikling kwento at magbigay ng limang maaaring kalabasan batay sa iyong karanasan o kaalaman.
"Nanay! nanay! nanay! ang baon ko," pasigaw na sabi ni Monica sa kanyang nanay.
"Mahuhuli na ako sa klase ko," dagdag pa niya. Walang ano-ano ay biglang pumasok ang
kanyang ina at nagtatakang sinabi sa kanyang anak “Ano ka ba anak, nakalimutan mo bang wala
na kayong pasok sa paaralan? Hindi ba sinuspende na ang mga pasok dahil sa Covid 19?"
“Halika na anak at nakahain na ang agahan sa mesa." "Sige po nanay, susunod na po ako.
Aayusin ko lang po ang aking higaan.” Pagkaalis ng kanyang nanay naalala niya na tama ang