Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong at ibigay ang buod ng binasa.
Ang Batang Masipag
ni Porferia A. Alampayan
May ilang batang negosyante ang nagtagumpay sa murang edad. Isang halimbawa nito si Robert, dalawamput limang taong at taga-Palawan. Mahusay manamit si Robert gaya ng kaniyang ama. Mahilig siyang mag bow tie at noong 2018 ay agad niyang inumpisahan ang negosyong paggawa ng bow tie, gamit ang makinang panahi ng kaniyang lola. Nagsimula siyang magbenta nito sa pamamagitan ng internet.
Makalipas ng dalawang buwan ay lumaki na ang demand para sa kaniyang produkto. Ipinagbibili ito ngayon sa labindalawang tindahan sa kanilang lugar. Mayroon na siyang sampung mananahi. Nakapagbenta na si Robert ng mahigit limanglibong bow tie at kumita na siya ng mahigit isang daang libo.
Masaya niyang pinagsumikapan ang napamahal na sa kaniya na negosyo. Ngayon, siya ay ganap nang matagumpay.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Paano naisipan ni Robert na magnegosyo ng mga bow tie?
_______________________________________________________
2. Ano ang ginawa ni Robert at naging matagumpay siya?
_______________________________________________________
3. Bakit mahalagang may hilig ang isang tao sa isang negosyo?
_______________________________________________________
4. Saan niya namana ang unang makina na ginamit ni Robert?
_______________________________________________________
5. Ilang taon nag-umpisa si Robert sa kaniyang negosyo?
_______________________________________________________
6. Paano nagsimula ang maikling Kuwento?
_____________________________________________________
7. Ano ang sumunod na pangyayari?
_____________________________________________________
8. Sa anong pangyayari nalaman ng tauhan ang kaniyang hangarin?
____________________________________________________
9. Anong pangyayari ang naganap at tuluyan niyang napagtagumpayan ang kaniyang negosyo? _____________________________________________________

10. Ano ang mahalagang mensahe ng kuwento?
___________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.