Basahin ang kwento at saguting ang tanong
Si Allia ay naanyayahang dumalo sa isang programang pampaaralan.
Gabi ito gaganapin sa kampus ng kanilang paaralan. Nahihirapan siyang
magpasiya kung dadalo dahil walang susundo sa kaniya. May trabaho ang
mga magulang niya sa gabi.
Pinag-usapan nila ng pamilya niya ang bagay na ito. Nagboluntaryo si Kuya
Rene na siya ang susundo kay Allia bagamat mapapaliban siya sa kaniyang
panggabing klase.
Isa-isa nilang pinag-usapan ang mga detalye ng dadaluhang programa
ni Allia. Naglahad sila ng mga mungkahi para sa ikabubuti ng lahat. Si Ate
Edna naman ay nagmungkahing siya na ang susundo kay Allia pagkatapos
ng kaniyang trabaho sa kabayanan. Kung siya man daw ay mahuhuli nang
bahagya ay maghihintay na lamang si Allia.
Ang napagkasunduan nila ay ang huling mungkahi. Si Ate Edna ang
susundo kay Allia. Ayon sa kanilang ama, ito ang desisyon na makabubuti para
sa kanilang lahat, matapos isaalang-alang ang iba't ibang oras ng kanilang
pansariling iskedyul para sa araw na iyon.
Inilahad nila at sinunod ang tamang hakbang para sa ikabubuti ng lahat.
1. ano ang pangyayari na naging pokus sa pag-uusap ng pamilya?
2. ano-ano ang mga hakbang na kanilang ginawa upang makabuo ng desisyon?
3. paano nila nabuo ang desisyon makabubuti para sa lahat?
Answers & Comments
Answer:
1.ang pag sundo Kay allia
2.naglaan sila ng oras Para sa iskedyul nila Kung sino ang susundo Kay allia
3.nagusap sila ng maigi