Questions


January 2023 1 10 Report
Basahin ang kuwento tungkol sa paggawa ng tamang pasiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang impormasyon.
“Tamang Impormasyon Tungo sa Tamang Pasiya”
Isang araw, pinulong ni Gng. Artes ang kaniyang mga mag-aaral tungkol sa panukala ng Samahan ng mga Magulang na pagbibigay ng donasyon sa kanilang klase.
“Mga mag-aaral, ang Pangulo ng Samahan ng mga Magulang na si Gng. Rosal ay magbibigay ng donasyon. Maaari lamang tayong mamili sa dalawa: kompyuter o mga set ng mga makabagong aklat.”
Bilang pangulo ng klase, pinulong ni Joy ang mga mag-aaral at kinuha ang kanilang mga panig para sa kapasiyahan ng buong klase.


“Kung ako ang tatanungin ninyo,” sabi ni Mark, “Mas mainam ang kompyuter na magagamit ng buong klase kaysa sa mga aklat. Marami na naman ang mga aklat na ipinahiram sa atin.”
“Mas nagtatagal ang mga aklat at maaari pang magamit ng mga susunod sa atin kaysa sa kompyuter na madaling masira.” ang suhestiyon ni Marvie.
Bago tayo magdesisyon, maaaring mangalap muna tayo ng mga impormasyon sa kabutihang maidudulot ng pagkakaroon ng kompyuter at mga aklat.
Masusing nagtalakayan at nagpalitan ng suhestiyon ang mga mag-aaral.
Magkaroon tayo ng botohan sa kung ano ang pipiliin natin. Itaas ang kamay ng gusto ng mga set ng makabagong aklat? Isa, dalawa... dalawampu’t-dalawa ang pumili. Nangangahulugan na kompyuter ang ating hihilingin kay Gng. Rosal.
sa desisyon ng klase, sang-ayon ako sa naging pasiya ng lahat.
“Iyan ang gusto ko sa mga mag-aaral ko, nagkakaisa. Gamitin lamang natin nang tama ang ibibigay sa atin, tiyak na matutulungan tayo nito higit lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon,” ang nakangiting sabi ni Gng. Artes.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pinag-usapan sa klase ni Gng. Artes?
2. Paano ipinapakita ng mga mag-aaral ang matalinong pagpapasiya?
3. Ano-ano ang kabutihang maidudulot sa mga mag-aaral ng donasyon sa
kanila sa pangangalap ng wastong impormasyon? (2 puntos)
4. Kung ikaw ay miyembro ng klase, ganun din ba ang iyong magiging pasiya?
Bakit? (3 puntos)
5. Paano maaaring isabuhay ng mga mag-aaral na katulad mo ang pagmamahal
sa katotohanan? Ipaliwanag. (3 puntos)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.