Questions


April 2021 1 35 Report
Basahin ang katangian ng tula sa bawat bilang, Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
patlang kung anong uri ito ng tula
1. Ito'y isang tulang pumapaksa sa pagpapahayag ng malungkot na damdaming kaugnay ng
kamatayan o pagyao,

2. Ito'y tumatalakay sa paksang katawa-tawa at may mga tauhang nakalilibang.
3. Ito'y isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aanimning pantig at sa
isang paraang payak at tapatan na madaling malapatan ng awit.

4. Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa
isang yumao na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.

5. Ito ay isang maikling tulang liriko na pumupuri sa Diyos at nilikhang may aliw-iw ng awit subalit
hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na
taludturang may apat na taludtod sa bawat isa.

6. Isang tulang pasalaysay na naglalahad ng mga pangyayari patungkol sa isang bayani sa isang
alamat o kasaysayang maging matagumpay sa mga panganib at kagipitan.

7. Isang pagtatalong patula tungkol sa isang paksa. May lakandiwang namamamagitan sa
pagtatalong ito.

8. Isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay
ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.

9. Patulang pagtatalo sa mga pangunahing layunin ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o
bumabasa sa pamamamagitan ng katawa-tawa ngunit matatotoong mga kayabangan, panunudyo, at
palaisipan.

10. Pagtatalo rin nang patula kung saan ang mga katwirang ginagamit ay karaniwang hango sa mga
salawikain, kawikaan, at kasabihan.

HELP ME PLEASE :(

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.