Basahin ang balita na nasa kahon. Bike Ordinance sa Silangang Samar, aprubado ng lokal na pamahalaan Dahil sa paglilimita ng pampublikong sasakyan ngayong panahon ng pandemya, pagbibisekleta ang nakitang alternatibong transportasyon ng taumbayan. Kaugnay nito, pormal na kinilala ng lokal na pamahalaan ng Silangang Samar ang kauna-unahang naipasa at naaprubahang Bike Ordinance sa Pilipinas na pinangunahan ni Bise-Gobernador Maricar Sison-Goteesan. Nakasaad din sa ordinansa ang layuning maipakilala ang karapatan sa kalusugan ng mga tao sa paggamit nito. “Maliban sa pagsunod sa itinakdang health protocols ng Kagawaran ng Kalusugan, isinasaalang-alang din po ng lalawigan ang usaping- pangkalusugan ng ating nasasakupan,” pahayag ng bise-gobernador. “Magsisilbing proteksyon din ito sa paggamit sa daan kasabay ng iba pang mga biyahero,” dagdag ni Atty. Byron M. Suyot, may-akda ng nasabing batas. Ayon sa Provincial Tourism Officer ng Silangang Samar G. Neil Pinarok, ito ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. - Gesille G. Grande, DepEd Borongan City Division​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.