Napanood mo sa telebisyon ang paparaming kaso ng mga health care workers na namamatay, nahahawaan ng virus o kaya'y nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang lugar/barangay. Ninanis mong ipadama ang iyong pasasalamat at pagsuporta dahil sa sakripisyong kanilang ginagawa. Ito ay ipakikita mo sa pamamgitan ng pagbuo ng isang tulang naglalarawan.
Answers & Comments
Marami ang naalarma,
Dahil sa isang sakit na nakakahawa,
Sakit na naging pandemya, tinawag itong Corona,
Kaya marami ang natakot at nabigla.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
Nandyan ang mga bayaning nagsasakripisyo,
Katulad ng mga frontliners, doctor, pulis, sundalo,
Na laging handa upang maglingkod sa mga Pilipino.
Nais kong ipabatid na ako'y saludo sa lahat ng ating mga bayani,
Sa gitna ng digmaan ay nanatili,
Tiniis lahat kahit mahiwalay sa minamahal,
Upang maglingkod ng may husay at dangal.
Nangingibabaw ang tawag ng tungkulin,
Pangako sa bayan ay tutuparin,
Kaya'y papupugay at suporta ang ihandog,
At huwag silang hayaang lumubog.
Maraming maraming salamat,
Mula sa aming pusong tapat,
Kami ay saludo sa inyo,
Dalangin namin na Panginoon ay gabayan kayo.