Questions


October 2022 1 1 Report
Balikan Natin

Panuto: Basahin at isulat sa patlang ang angkop na pamagat para sa bawat

talataan.

Halimbawa:

Ang Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang-bayan ay isang kaugalian ng mga Pilipino. Sa

araw na ito ay may handaan. May mga banda ng musikong naglilibot. Ang mga palabas

sa tanghalan ay dinarayo nang marami. Nagtatapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng

pagpuprosisyon ng patrong pinararangalan.

1. ___________________________

Malaki ang naitutulong ng industriya ng sapatos sa hanapbuhay ng mga tagaMarikina. Ang mga produkto dito ay subok sa taas ng uri. Ito ang pinakamaunlad na

industriya ng ating bansa.

2. ___________________________

Makasaysayang pook ang Fort Santiago. Karatig ng Rizal Park, dito

nabilanggo ang ating pambansang bayani. Marami ring mga gerilyang Filipino ang napiit

dito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. ___________________________

Si Rosa ay nanibago sa kanyang mga nakita nang siya ay magbalikbayan.

Ibang-iba na ang paliparan. Nagtataasan ang mga gusali, maraming pamilihan sa iba’t

ibang lugar ng ating bansa.

4. ____________________________

Isang kapaki-pakinabang na libangan ang pagbabasa. Napapayaman nito ang

ating talasalitaan. Natutulungan tayo ng pagbabasa na maging mapanuri. Napag-alaman

natin ang mga nangyayari sa ating paligid sa pamamagitan ng pagbabasa.

5. ____________________________

Sa sandaling tumaas ang presyo ng langis, tataas din ang pamasahe.

Tumataas din ang halaga ng mga produkto. Sadyang malaki ang epekto ng halaga ng

langis sa ating kabuhayan.

Help Po Asap
Answer Correct:Brainliest

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.