Balikan natin ang aralin tungkol sa pagtukoy ng simuno at panaguri. Bilugan mo ang simuno at salungguhitan ang panaguri sa bawat pangungusap.
1. Si Amari ay laging nagpupunta sa palengke ng Marikina.
2. Lagi siyang namimili ng masusustansiyang mga pagkain tulad ng gulay at prutas.
3. Mga itlog, manok at mga isda ang binibili niya.
4. Ang palengke ang pinupuntahan niya sapagkat napakamura naman talaga ng mga bilihin dito.
5. Sapat lang ang pera niyang dala para sa pamimili.