Balik-tanaw Basahin nang mabuti ang balita. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.
NCR Plus' Bubble Isasailalim sa ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4 Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasilalim ng Metro Manila, at iba pang mga parte ng NCR Plus Bubble sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sa public announcement gabi ng Sabado, sinabi ni Roque na susundan nito ang mga dati nang naging patakaran sa pagsasailalim ng Metro Manila, Rizal, Cavite, at Laguna sa ECQ. pero may ilang pagbabago, gaya ng sumusunod: Pagpayag na mag-operate ang mga pampublikong sasakyan, construction projects, curfew na alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga para sa mga apektadong lugar, maliban sa mga tsuper, Authorized Persons Outside Residence, mga manggagawa at cargo vehicle drivers, Gaya ng dati, bubuksan ang mga mall, pero limitado lang ang operasyon nito para sa mga "essential store gaya ng supermarket at mga botika Lilimitahan lang din ang kapasidad ng ilang workplace. Limitado na rin sa delivery at take-out ang mga kainan. Bawal din ang mga masa gathering. Nilinaw na rin ng gobyerno na pagbabawalan muli ang mga misa matapos itong payagan ng pandemic task force para sa Semana Santa. Pinapalakas din ni Duterte ang contact tracing efforts at mass testing para matukoy ang lawak ng mga nahawahan ng virus, ayon kay Roque. Sinabi na rin ng ilang eksperto na posibleng mahigitan pa ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19, at inirekomenda ang pagpapatupad ng mas mahigpit na lockdown measures, gaya ng modified enhanced community quarantine.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Saang mga lugar ang kabilang sa ECQ o Enhanced Community Quarantine? 3. Ano-ano ang mga ipinagbabawal sa panahong ECQ o Enhanced Community Quarantine?
4. Kailan magsisimula ang ECQ sa mga nabanggit na lugar?
5. Sa anong bahagi ng pahayagan mababasa ang ganitong uri ng balita?
nonsense report
wrong report ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.