Questions


October 2022 1 3 Report
BALIK ARAL
Bago simulan ang aralin, balikan mo muna ang iyong
natutunan tungkol sa pagbibigay ng pangunahing diwa o
kaisipan sa binasang teksto Basahin at piliin ang pangunahing
diwa o kaisipan ng teksto. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel
1. Ang sakit na Covid 19 ay maiiwasan kung ibayong pag iingat ay isasaalang alang
Ugaling maging malinis sa katawan laging maghugas ng mga kamay gumamit
ng alcohol. Gumamit ng face mask Panatilihin ang social distancing. Manatili sa
loob ng bahay kung walang importanteng gagawin sa labas
A Mga dapat isaalang-alang upang makaiwas sa Covid 19
B. Ugaling maging malinis sa kamay at gumamit ng face mask
C Manatili sa loob ng bahay kung walang gagawin sa labas upang makaiwas
sa sakit na dulot ng virus
2. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para
sa mabilis na pagtunaw ng ating kinain Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng
dumi sa loob ng katawan
A Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig.
B Bilang ng iinuming tubig araw araw
C Solusyon sa pahirapang pagduri.
3. Ugaliin ang pagakain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang
makukuha sa mga ito. Nakatutulong din ang mga ito upang maging malakas at
malusog ang ating katawan
A. Ang mga prutas at gulay ay maraming bitamina,
B. Mangninina ang katawan ng mga taong hindi palakain ng prutas at gulay.
Ċ Kumain ng gulay at prutas upang maging malakas at malusog ang
katawan
4. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig
at ilong kapag umuubo at bumabahing nang hindi makahawa ng iba Uminom ng
maraming tubig at magpahinga,
A. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.
B Uminom ng maraming tubig at magpahinga
C. Iwasan ang pagdura kung saan-saan.
5. Ang dengue ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng kagat ng lamok. Ang
mga iamok na ito ay naninirahan sa mga lugar na marumi, madidilim at sa mga
nakaimbak o naipong tubig na walang takip Palitan nang madalas ang tubig sa
plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
A Palitan lagi ang tubig sa plorera.
B. Takpan ang imbakan ng tubig.
C. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.