Questions


August 2022 1 0 Report
BAKIT NGAYON LANG ANAK?

Iniukol niya ang kaniyang buhay sa mahabang panahon ng pagtratrabaho at pag-aaruga sa kaniyang apat na anak. Ngayon, siya ay tila kandilang nauupos. Malapit na siyang pumanaw. Sa kaniyang banig ng kamatayan na naroon ang kaniyang mga anak.

Luhaan, ang sabi ng panganay na anak, "Inay, naging napakabuti mong ina sa amin. Nais ka namang pasalamatan. Ipinagkakapuri ka naming."

Pilitnagmulat ng mga mata ang nanghihingalong ina. At siya ay nagtanong, "Bakit kay tagal mong pinigilan ang pagsasabi niya sa akin?" Kailanman ay hindi mo binigkas ang mga salitang iyan."

Ipinikit ng ina ang kaniyang mga mata upang hindi na muling magising.

-Ni Bruno Hagspiel (isinalin)

May naalala ka bang isang taong nagbigay sa iyo ng bagay na labis mong nagustuhan? Nagpasalamat k aba sa kaniya? Paano mo ipinakita ang pagtanaw mo ng utang na loob sa kaniyang kabutihan?

Natanto mob a ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga taong naging mabait at mapagmalasakit sa iyo? Kung nagawa mong magpasalamat, tiyak masaya ang mga taong iyon, dahil anumang pagpapakita ng pasasalamat na galing sa puso ay ikinatutuwa ng lahat. Alam mo bang kapag naging bahagi ng iyong buhay ang maging mapagpasalamat para sa mga. - tulong o mumunting regalo at alaala, madali kang makabubuo ng magagandang relasyon!

Isipin mo ang mga sitwasyong nararanasanmo sa araw-araw. Ano ang mahahalagang bagay na natanggap mo mula sa iba? Bagong sapatos na de goma?Tsokolate mula sa iyong matalik na kaibigan? Maging malaki o maliit man ang natanggap, magpakita ka ng pusong mapagpasalamat.

Marahil ay lagi kang nagpapasalamat sa mg bagay na gusto mo at natanggap mo. Paano kung ang naibigay sa iyo ay hindi mo naman gusto? Magpapasalamat ka pa rin ba?

Ang pagiging mapagpasalamat ay nararapat na laging nasa isip at puso. Kahit na nga ang mga pangyayari ay hindi ayon sa iyong sariling kagustuhan, lagi kang tumanaw sa mga positibong pangyayari.

Ang sinasabi natin dito ay ang pagiging mapagpasalamat kahit na ang mga sitwasyon ay hindi naaayon sa iyong gusto. Halimbawa, lagi kang maglaan ng ngiti kahit kailangan mong maghugas ng pinggan na dapat ay gawain ng iyong kapatid ngunit hindi niya magampanan; may sakit kasi siya at kailangang magpahinga. Hindi kailangang maghintay ka ng papuri o karangalan para sa iyong espesiyal na ginawa. Hindi ba't nakikita ng diyos kung ano ang iyong ginawa? Ang paggawa ng mabuti ay hindi naghihintay ng kapalit, dahil mas lalo kang magiging masaya kung maisasapuso mo na ang pasasalamat.

Kapag naman pinuri ka, ang mas mahalagang kapalit ay hindi lamang nandirito sa lupa. Sinabi ng Diyos sa Mateo 6:4, '... ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim na siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala."

MGAT TANONG:

Muling basahin ang Bakit Ngayon Lang, Anak? Sagutin ang mga tanong. 1. Kung ikaw ang anak sa kuwento, ano ang magiging reaksiyon mo sa tanong ng ina?

2. Saiyong tunay na buhay, ilang ulit ka nang nagpasalamat sa mga kabutihang ginawa sa iyo ng iyong pamilya? Paano mob-a sila pinasalamatan? 3. Isulat mo ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.