Ang pagkabuhay na muli ni Hesus pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan, sapagkat nagbibigay ito ng hindi mapapabulaanang katunayan kung sino si Hesus gaya ng Kanyang sinasabi tungkol sa Kanyang sarili – na Siya ang Anak ng Diyos. Hindi lamang pinakamatibay na patunay ng Kanyang pagka-Diyos ang muli Niyang pagkabuhay; pinatototohanan din nito ang Kasulatan, na una ng nagpahayag ng Kanyang pagparito at muling pagkabuhay. Dagdag pa rito, pinatotohanan nito ang mga pahayag ni Kristo ng Kanyang muling pagkabuhay sa ikatlong araw (Juan 2:19-21; Marcos 8:31; 9:31; 10:34). Kung hindi nabuhay na mag-uli si Kristo, wala tayong pag-asa (1 Corinto 15:13, 16). Ang totoo, kung walang muling pagkabuhay ni Kristo, wala tayong Tagapagligtas, walang kaligtasan, at walang pag-asa sa buhay na walang hanggan. Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo, magiging “walang kabuluhan” ang ating pananampalataya at ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay mawawalan ng saysay.
Answers & Comments
Answer:
Explanation:
KeepOnLearning
I hope it helps po :)
Your welcome nalang po:)
Answer:
para makatulong sakapwa mo tao at manalig lagi sa dyios