Ang tula ay malaking bahagi ng Panitikang Pilipino. Bago pa man tayo magkuwento, tumutula na tayo. Pinatunayan na ito sa atin bago pa man dumating ang mga Español o ang tinatawag na Pre-Spanish period. Patunay niyan ang mga epiko, mga lirikong tula–mahahaba at may kuwento. Bago pa man tuluyang sakupin ng mga Amerikano ang ating isipan ay tumutula na tayo. Samakatuwid, noon pa lang ang may angkin na tayong talento sa pagtula.
Sa panahon ngayon, marami na ang nagbibigay dungis sa panitikan. Marami na ring nakalilimot ukol sa tunay na kariktan ng pagtula. Nasanay at nagumon kasi ang ating isipan simula ng dumating ang panahon ng Amerikanisasyon kung saan naging amerikanisado tayo gamit ang Public School System. Ang mga aralin at sistemang kanluranin ang naikintal sa ating isipan noong mga panahon iyon. Pilit nilang isinusubo sa atin ang akda ng mga manunulat na taga-Kanluranin. Kaya’t dala-dala pa rin ito hanggang sa kasalukuyan.
Kaya naman masasabi ko na mahalaga itong pag-aralan sa ating panahon. Ang mga nasimulang genre ng panitikan ng ating lahi katulad ng pagtula ay kailangang maituro nang tama at mapreserba. Ang tunay na ganda at husay ng panitikan ay makikita kung gaano katagal at kung paano pa rin ito binibigyan ng pagpapahalaga hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-aaral ng pagtula ay may malaking maidudulot sa ating isipan sapagkat ito’y gamot na inerereseta sa ating kaluluwa. Gamot sa kaluluwa na maituturing.
Muli nating buhayin ang sigla ng panitikang ating kinagisnan. Ang dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang pagtula ay maikukumpara ko sa katanungang bakit kailangan ko pang pumasok sa paaralan?. Simple lang ang kasagutan, nag-aaral ako kaya’t pinag-aaralan ko ito. Nais kong matuto nang bago. Gusto ko kasing kumawala sa kahon na pilit na nagbibigay ng kamangmangan sa mundong mayroon ako ngayon. Inaaasam ko ring makatuklas ng bagong bagay. Nangangarap aka na magkaroon ng magandang buhay. Ganito rin ang pagtula. Pinag-aaralan ito sapagkat gusto nating maitinggal at mapakinabangan ang ganda ng panitikan pagsapit ng susunod na henerasyon. Nais na matutunan sapagkat maaari itong magamit sa hinaharap katulad ng akda nila Bonifacio, Antonio Luna at maging ni Jose Rizal na siyang pinag-aaralan natin sa kasalukuyan. Kung tumutula ka, kailanma’y hindi ka mamamatay.
Answers & Comments
Answer: