Mayroong mga trabahong in-demand at nagbibigay ng maraming opurtunidad. Mayroon din namang karera na dahil sa dami na ng supply o dahil lumiliit na ang pangangailangan ng tao sa ganoong serbisyo o produkto, ay hindi isang katalinuhang mag-invest doon. Ang pagsusuri sa lokal at global na demand sa paggawa ay makakatulong sa isa na nagpapasya ng kaniyang magiging karera.
Hindi mo tiyak ibibigay ang iyong panahon, lakas at pera sa isang gawaing papalugi hindi ba? Gayundin sa iyong magiging hinaharap. Alam mong ang pipiliin mong kurso, siyempre ayon sa hilig mo, ay magbibigay sa iyo ng disenteng pamumuhay.
Ano ang ibig sabihin noon? Ang gawaing magbibigay halaga sa iyong kakayahan dahil kailangan ng lipunan ang serbisyo. Baka nais mong magtrabaho sa ibang bansa, tiyak na pipili ka ng kurso na mayroong malaking tsansa na makapag-aaply ka ng trabahong iyon.
Kung ikaw naman ay nais manatili sa lokal, nakikita mo ba ang mga trabahong makapaglalaaan ng iyong pangangailangan at kailangan ka? Maraming naging matagumpay dito mismo sa Pilipinas, pero makikita mong mayroong mga strategy upang mapagtagumpayan ang mababang ekonomiya ng bansa.
Maraming mga estudyante ang mali ang naging pagpili ng kurso. Nagulat sila na hindi naman in-demand ang kursong napili nila. Wala silang mapasukan na trabaho ayon sa tinapos nila. Ito ay dahil hindi naihanda ng kurikulum ang mga linya ng trabaho na papasukan nila. Ayaw mong mapasama sa mga ito.
Answers & Comments
Verified answer