Mula palang noon ay magkaaway na ang Aso at pusa, may mga bagay na hindi nila na napapagkasunduan. Pwede din naman magsama sa isang lugar ang dalawang hayop na ito kung saan wala silang pinagaawayan. Sa katunayan, walang nakakaalam kung bakit magkaaway ang aso at ang pusa. Ganon siguro sila nilikha ng Diyos, ganon ang pagkakadisenyo sakanila. Maaari ding magsama ang aso at ang pusa sa isang partikular na lugar kung saan hindi naman sila nagaaway o nagbabangayan, dipende sa pagaalaga at pagpapalaki ang magiging resulta, may mga kakilala ako na may alagang aso at pusa na hindi nagaaway. Sa halip ay magkasundo ito.
Kahit ako ay gusto ko rin malaman kung bakit magkaaway ang aso at ang pusa, malamang ay nakakaramdam sila ng inggit sa isa’t isa, may damdamin din ang mga hayop hindi ba? Bata pa lamang ako ay nakakakita nalang ako palagi ng aso at pusa na nagaaway sa gitna ng kalsada, ang madalas nilang pagawayan ay pagkain at teritoryo, ngunit minsan napapaisip ako, bakit sa pusa lang nagagalit ang aso kung teritoryo lang naman ang problema samantala ang ibang hayop na dumadaan sa kanilang teritoryo ay hindi nila kinakalaban.
Iniisip ko rin, hindi din naman parehas ang kinakain ng Aso at pusa. Ang aso ay kumakain ng buto, samantala ang pusa ay mas hilig ang tinik ng isda. Hindi na kailangan pang magaway lang ng dahil sa pagkain at teritoryo. Napakalaki ng mundo para paghatian nilang dalawa. Maaring ugat ng kanilang bangayan ay ang kanilang paguugali, malamang magkasalungat ang kanilang pagiisip, may kanya-kanya silang pagiisip at paguugali na maaaring dahilan kung bakit hindi sila nagkakaintindihan. Bukod pa doon, Kailangan pa nilang masanay sa isa’t isa na magkasama.
May nakapagsabi saakin noon na ang mga pusa ay seloso, marahil isa din ito sa mga dahilan kung bakit ayaw nila sa aso na umaaligid sa tahanang kanilang tinitirahan. Ang mga pusa ay sensitibo, ayaw nila na may kahati at kaagaw sa pagkain, atensyon at pagmamahal. At sa aso naman, sila ay masyadong tapat at mabuti sa kanilang amo, kaya siguro ayaw nila sa mga pusa dahil baka ipagpalit na sila at kalimutan.
Maaari din naman na, kaya nasasabi nating magkaaway ang aso at ang pusa ay dahil sila ang pinaka arugang hayop ng mga tao, sila ang madalas nating nakikitang magkaaway kahit na may mga hayop din naman na mortal na magkaribal. Hindi lang naman aso at pusa ang magkaaway na hayop, marami ding iba. Hindi ba’t mayroong alamat tungkol sa aso’t pusa, ayon sa kwento kaya nagalit ang aso sa pusa ay dahil hindi inalagaan ng pusa ang pagmamayaring gamit ng kanilang aso, subalit hindi parin iyon pwedeng gawing basihan kung bakit galit sila sa isa’t isa.
Maaaring maging dahilan din ay, natatakot sila sa isa’t isa, sapagkat hindi naman sila parehas ng lahi para maging magkasundo sila, lahat ng hayop ay mag kakaiba ng lahi kaya siguro hindi rin sila magkasundo, ganon din naman sa pusa at daga. Ang pusa hindi lang naman galit sa Aso, galit din naman sila sa daga, ipis, at sa mga insekto, galit sila sa mga gumagalaw na bagay o nilalang, kahit ang kuneho ginagagalitan din nila.
Katulad nga ng sinabi ng iba, dahil narin yan sa takbo ng buhay. Parehas ayaw magpatalo ng dalawang panig dahil narin siguro sa nagmamataas sila, ayaw nilang may makatalo sakanila, kaya naman wala sa aso at pusa ang nagpapatalo lalo na sa mga bagay na kanilang pagmamayari. Parang ganito iyan, “Kung sino ang mas malakas, Ang siyang magwawagi”.
Masyado palaban ang aso, lahat ng hayop na umaaligid aligid sa teritoryo nila ay kanilang kalaban, gayundin sa pagkain at pagmamahal ng amo, ayaw lang siguro ng aso na mawalan ng lugar at maging palaboy, ipinapakita lang nila ang lakas nila dahil sa mas malaki sila sa mga pusa. Totoo namang nakakalungkot Makita ang isang pusa at aso na nangangayayat at palaboy laboy sa lansangan, kaya siguro ganon.
Nakakatawa din namang isipin na ang dahilan ay, Hindi naliligo ang pusa samantalang ang aso naman ay naliligo ng sapilitan. Nakikita ko minsan na ang aso ay galit sa bola, galit sa bata at galit sa kung anu-ano pa, siguro nga ay kanya-kanyang sanib lang yan, ganon din naman sa pusa at sa iba pang hayop. Sadyang, parehas ang aso at pusa sa mga teritoryo na inaangkin, kaya nagaawan sila na nauuwi sa bangayan at awayan.
Hindi naman siguro totoo na mortal na magkaaway ang aso at pusa. May mga pusa na nakikisama sa aso, at mayroong mga asong katabi pa nga matulog ang mga pusa. Siguro nga kaya lang nagkakaroon ng isyu tungkol doon ay nakasanayan na ng mga tao, lalo na ginagamit ang salitang “away aso’t pusa” sa mga taong magkaaway. May mga aso at pusa na magkasamang naninirahan sa isang bahay kaya hindi naman masasabi na talagang magkaribal sila sa lahat ng bagay.
Answers & Comments
Answer:
"Bakit nga ba magkaaway ang Aso at ang Pusa?"

.
.
Pa brainliest naman po
#Carryonlearning