Ang ekonomiya ng Kanluraning mga bansa ay madalas na may katumbas na epekto sa ekonomiya sa Asya pangunahin na dahil sa relasyon ng mga bansa sa isa't-isa.
Explanation:
Upang mas maintindihan mo, tignan natin kung anong ugnayan mayroon ang Kanluran sa mga bansa sa Asya, ito man ay sa Silangan o sa Timog Silangang Asya.
Maraming mga bansang Asyano ang nakikipagkalakan sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos. Kapag mahina ang ekonomiya sa Kanluran, bumababa rin ang kaya nilang bilhin na mga produkto mula sa Asya.
Ang mga bansa sa Kanluran ay namumuhunan sa mga bansa sa Asya. Ito man ay sa mga bansang maunlad na upang makapag-alok ng kanilang mga serbisyo o produkto o di kaya ay namumuhunan naman sa mga papaunlad pa lamang na bansa upang makamura sa bayad ng mga serbisyo at manggagawa. Kapag mahina ang ekonomiya ng mga namumuhunang bansa, maaring itigil nila ang paglalagay ng pera sa Asya o maaring isara ang ilan sa mga kumpanya nila.
Maraming mga makabagong teknolohiya ang ginagamit sa mga malalaki at maliliit na industriya sa Asya kaya sila ay naapektuhan ng mga pagbabago sa Kanluran. Kapag nagkakaroon ng pagbagsak ng mga ekonomiya, ang mga teknolohiyang ito ay maaring magmahal ng singil o magbago ang serbisyo dahil sa pagbabawas ng mga tauhan. Maari din magkaroon ng pagbabago sa batas na sakop ang mga teknolohiya na ito.
Ilan sa mga bansa papaunlad pa lamang ay mga mga overseas worker na nasa Europa at Estados Unidos. Sa pagbagsak ng ekonomiya, lumiliit ang maari nilang maipadala na remittances pabalik sa pamilyang naiwan.
Kapag bumababa ang ekonomiya sa Kanluran, nababawasan ang pwedeng hiramin na pera ng mga tiga-Asya upang gamitin sa puhunan o imprastratura.
Answers & Comments
Answer:
Ang ekonomiya ng Kanluraning mga bansa ay madalas na may katumbas na epekto sa ekonomiya sa Asya pangunahin na dahil sa relasyon ng mga bansa sa isa't-isa.
Explanation:
Upang mas maintindihan mo, tignan natin kung anong ugnayan mayroon ang Kanluran sa mga bansa sa Asya, ito man ay sa Silangan o sa Timog Silangang Asya.