Questions


September 2022 1 2 Report
Bagong Lindol sa Mindanao, Kumitil ng Maraming Buhay Hindi bababa sa 6 tao ang kumpirmadong patay matapos yanigin ng isangmalakas na lindol ang ilang lugar sa Mindanao nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, namatay ang isang estudyante mula sa Magsaysay, Davao del Sur dahil nabagsakan ng mga debris habang lumilikas. Namatay naman ang isang ama at kaniyang anak sa Arakan, Cotabato, ayon sa gobernador ng lalawigan na si Emily Lou Mendoza. Isang buntis naman sa Tulunan, South Cotabato ang nasawi matapos madaganan ng kahoy habang lumilindol, sabi ng alkalde na si Reuel Limbungan. Isang 36 anyos din ang nasawi sa Digos City, ayon sa alkalde na si Joseph Cagas.Alas-9:04 ng umaga nang maitala ang magnitude 6.6 na lindol sa may bayan ng Tulunan, South Cotabato.Umabot hanggang Intensity VII na pagyanig ang naramdaman sa ilang lugar gaya ng Tulunan at Makilala sa Cotabato, Kidapawan City, at Malungon sa Sarangani. Tumama ang lindol sa halos kaparehong lugar na tinamaan ng magnitude 6.3 na lindol noong Oktubre 16, na ikinamatay ng nasa 7 tao.Itinuturing na "main quake" ang lindol ngayong Martes kaysa lindol na tumama noong Oktubre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).Nilinaw naman ng Phivolcs na walang banta ng tsunami dahil nasa lupa ang sentro ng lindol.Nag-abiso rin ang Phivolcs ukol sa posibleng pinsala sa pagyanig at kahandaan sa aftershocks.Lumikas palabas ng mga gusali ang mga manggagawa, gaya ng mga empleyado sa mga business process outsourcing company, at estudyante dahil sa pagyanig. Sinuspende na rin ang trabaho at klase sa ilang lugar para ma-assess ng mga awtoridad ang epekto ng lindol sa mga istruktura. Sa Davao City, 35 istruktura ang nakitaan ng bitak sa initial assessment ng City Disaster Risk Reduction Management Office kasunod ng lindol. Dalawa sa mga istruktura ay hindi muna magagamit dahil delikado. Kasunod ng lindol, nanawagan din ang Malacañang sa mga residente ng Mindanao na manatiling kalmado. Inatasan din ng Philippine National Police ang regional offices nito sa Mindanao na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kaugnay ng disaster response. ABS-CBN News -Ulat nina Francis Canlas, Andoreena Causon, Arianne Apatan, Chrislen Bulosan, at Joey Tagbuba Pag-isipan at Pag-usapan     Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1.    Ano ang paksa ng balita? 2.    Ano –ano ang naging pinsalang dulot ng lindol sa lugar kung saan ito nangyari? 3.    Batay sa balitang binasa, ano-ano ang magpapatunay sa pinsalang dulot ng Lindol?
4.Anong ebidensyamula sabinasa ang magpapatunay na walang dapat ikabahala ang mamamayan sa banta ng tsunami kasunod ng malakas na lindol? ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.