Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay

nagdadalang-tao at siya'y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob

sa kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay napilitang

umalis at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana

at ang Sultan at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa

tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda, iniwan nila ang sanggol sa isang

bangkang nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago. Bagama't

halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.

Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura

na si Diyuhara ay nagpapasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa,

nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-

ganda, dinala nila agad ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapagalaga at higaang

may kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan.

Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari

ngunit natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal

na mahal at hindi nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila

Sari na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda kaysa sa kanya

at siya ay iwanan. ''Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin,

malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng Sultan, ''kung may lalong

maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!'' Kaya,

kinabukasan, ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang alamin

kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga batyaw

si Bidasari.

Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa

palasyo at ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan

nito sa tuwing aalis ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at minumura

hanggang sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari, ''kung ibig ninyo akonmamatay, Kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito'y

kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa gayo'y hindi maglalaon at

ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang makabalik

si Bidasari sa kanyang mga magulang.

Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa

araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang isda,

si Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at

sa gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa

takot ni Diyuhara na baka tuluyang patayin ng

Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng isang

magandang palasyo sa isang gubat na malayo

sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si

Bidasari. Laging sarado ang palasyo.

Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay.

Nguni't isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong

mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni Bidasari.

Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito.

Natagpuan niyang walang katao-tao. Pinasok nya ang lahat ng silid at sa wakas ay

nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi

niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't naghintay hanggang

sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng Sultan

ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang Sultan.

Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya

samantalang si Lila Sari ay natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.

Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan na.

Ang mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang anak na pinangalanang

Sinapati. Sa Kembayat ay dumating ang isang anak na lalaki ni Diyuhara, na

inaakala ni Bidasari na tunay na kapatid. Nang makita niya si Sinapati ay nagulat

siya sapagkat kamukhang-kamukha ito ni Bidasari. Kinaibigan niya si Sinapati at

ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-kamukha ni Sinapati. Dahil dito'y

itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung siya'y may nawawalang kapatid.

Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang

nawawalang anak. Gayon na lamang ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging

magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid

na naiwan sa bangka ay nabatid na niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil

sa pagtatapat ni Diyuhara.

Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang

magkakilala ang magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y isang tunay na prinsesa.

Pls pa help po​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.