Questions


August 2022 1 12 Report
Basahin ang maikling katha at sagutin ang mga katanungan tungkol dito.
Abala sa Pagtutulungan



Abala ang lahat sa pagtutulungan. Tulong-tulong ang mga guro at mga mag-aaral sa lahat ng antas ng Paaralang Elementarya ng Councilor Nicolas Dais na pinapasukan ni Rhayannah at ng mga kaibigan niya sa pagsasaayos at paglilinis ng paaralan. May darating daw kasing tagapangasiwa ng rehiyon upang magsagawa ng mga pagsusuri at survey kaugnay ng pagtuturo alinsunod sa K to12. Bukod dito, titingnan din nila ang buong paligid ng paaralan kung ito ba ay maayos at malinis, at kung ito ay may kaaya-ayang paligid at mga silid-aralan na makadaragdag ng motibasyon sa mga bata upang mag-aral nang mabuti. Kaya maging ang namumuno sa Samahan ng mga Magulang ay maagang nagkaroon ng Brigada Eskwela.

Brigada Eskwela ang tawag sa taunang paglilinis at paghahanda ng mga guro, magulang, at iba pang kasapi ng pamayanan upang ihanda ang paaralan sa darating na pasukan. Naglilinis ng paligid ang lahat at isinasaayos ang sira at lumang mga upuan, nagpipintura ng mga silid-aralan, nag-aayos ng silid-aklatan, at iba pa. Tinitiyak na magiging ligtas ang buong paaralan sa anumang banta ng pagkakasakit ng mga mag-aaral dahil sa maruming paligid.

Sadyang mapagtimpi at matiisin sa lahat ng bagay ang mga Pilipino. Kaya nga di-alintana ng mga mag-aaral, magulang, at mga guro ang hirap at pagod sa kanilang pagbibrigada. Lahat ng pagod at hirap na kanilang dinanas ay tinatanggap nila bilang kaligayahang hatid ng kanilang pagtulong at pagkakaisa.

1.Ano ang pamagat ng binasa mong katha?



a.
Mga Guro at Mag-aaral na Nagtutulungan



b.
Abala sa Pagtutulungan



c.
Pagbibrigada



d.
Paglilinis sa Paaralan

2.Sino ang sumulat ng katha?



a.
Noe B. Bonita



b.
Noel Trinidad



c.
Noe Bonita



d.
Noe B. Bebita

3.Ano ang paksa ng katha?



a.
Sina Rhayannah at mga kamag-aral



b.
Abala sa Pagtutulungan



c.
Paglilinis sa paaralan



d.
Brigada Eskwela



4.Bakit naglilinis sina Rhayannah at mga kaklase niya?



a.
Dahil darating ang tagapangasiwa ng rehiyon



b.
Dahil marumi ang paaralan



c.
Dahil may pakontes sa paaralan



d.
Dahil darating ang presidente ng Pilipinas

5.Ano ang dahilan ng pagbisita ng tagapangasiwa ng rehiyon sa kanilang paaralan?



a.
Para alamin ang kondisyon ng paaralan



b.
Para magsagawa ng mga pagsusuri at survey kaugnay ng pagtuturo alinsunod sa K to12



c.
Para tumulong sa paglilinis



d.
Para makipag-usap sa mga guro at magulang

6.Piliin ang tsek (/) kung ang pangyayari ay naganap sa katha, at ekis (x) kung hindi.

Maagang nagkaroon ng Brigada Eskwela ang Samahan ng mga Magulang.



a.
/


b.
X

7.Piliin ang tsek (/) kung ang pangyayari ay naganap sa katha, at ekis (x) kung hindi.

Nagkaroon ng pagsasaayos at paglilinis sa paaralan.


a.
X


b.
/

8.Piliin ang (/) kung nangyari sa katha at (X) kung hindi.

May pagtutulungan at pagkakaisa ang mga guro at mag-aaral.



a.
X


b.
/
9.Piliin ang (/) kung nangyari sa katha at (X) kung hindi.

Inaayos ang mga sirang upuan at pininturahan ang mga silid-aralan.


a.
/


b.
X

10.Piliin ang (/) kung nangyari sa katha at (X) kung hindi.

Sadyang mapagtimpi at matiisin sa lahat ng bagay ang mga Pilipino.


a.
/


b.
X

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.