Questions


August 2022 1 5 Report
B. Tukuyin kung ang mga pahayag sa mga sumusunod na bilang ay maiuuri sa sumusunod na elemento: (Pagbatayan ang akdang “Walang Panginoon")

A. SIMULA
B. TAUHAN
C. SAGLIT NA KASIGLAHAN
D. TUNGGALIAN
E. KASUKDULAN
F. WAKAS
G. RESOLUSYON

1. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung paanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay natuon sa alaga niyang kalabaw. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing iyon. Tatlong minuto lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

2. Subalit isang hapon, samantalang payapang inihanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw.

3. Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Pang-aagaw ng lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

4. Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita at ng tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber.

5. Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Anak siya ni Don Teong na tutol sa pag-iibigan nila ni Marcos.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.