Questions


October 2022 1 1 Report
B. Timeline Panuto: Gumawa ng timeline ng talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal at kasaysayan ng Noli Me Tangere, pagsunod-sunurin ang mga impormasyon sa ibaba. Isulat ito sa loob ng kahon.

1. Noong 1887. pinondohan ni Viola ang pagpapalimbag ng 2,000 sipi ng unang nobela ni Rizal, pinahiram niya ito ng 300 pesos.

2. Siya ay pinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna

3. Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng Noli Me Tangere noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.

4. Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin

5. Noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta

6. Itinatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo. 1892.

7. Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina.

8. Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito'y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

9. Nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

10. Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon.




PA HELP PO ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.