B. Sumulat ng sariling pangungusap batay sa ibinigay na impormasyon at hinihinging anyo na nasa panaklong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Idinaos kahapon sa parke ang ''Piyesta ng Kabataan'' kung saan mahigit kalahating libong bata ang dumalo. ( Patanong )
2. Nabusog ang mga bata sa libreng unlimited lugaw na hinaluan ng bitamina. ( Padamdam )
3.Kasama ng mga bata ang kanilang nanay,kapatid at lola o lolo na sa parke na rin kumain ng kanilang mga baong pagkain. ( Pautos )
4. Naghandog ang TESDA ng cooking demo sa mga ina para ituro ang pagluluto ng mga mura ngunit masustansiyang pagkain para sa mga bata. ( Patanong )
5. Isasagawa ang pagtatanim ng 200 puno ng mahogany sa paligid ng pampublikong paaralan. ( Pasalaysay )
Answers & Comments
Answer:
1. Idinaos ba kahapon ang "Piyesta ng kabataan" sa parke kung saan maraming bata ang dumalo?
2. Magaling! Napakaraming bata ang nabusog sa libreng unlimited lugaw na hinaluan ng bitamina.
3. Habang magkakasama ang buong pamilya sa parke at kumakaim ay sinabi ng kanilang lolo ay "abutin mo nga ang pagkain sa akin".
4. Totoo bang naghandog ang TESDA ng cooking demo sa mga ina para ituro ang pagluluto ng mga mura ngunit masustansyang pagkain para sa mga bata?
5. Sa paligid ng pampublikong paaralan ay isasagawa na ang pagtatanim ng 200 na puno ng mahogany.