Questions


December 2022 1 0 Report
B. Panuto: Sumulat ng isang iskrip ng balita sa isang malinis na papel.
Naiulat sa mga pahayagan at teleradyo ang kalunos-lunos na kalagayan
ng mga jeepney driver sa ilang panig ng Kalakhang Maynila. Ito’y matapos
mahinto ang kanilang kabuhayan dahil sa quarantine measures, na
ipinatupad ng gobyerno kontra CoViD-19. Gamit ang paksang ito
ipagpalagay mong ikaw ay isang iskrip writer ng balita sa teleradyo. Ikaw
ay naatasang sumulat ng iskrip ng balita para sa tanghaling pagbabalita
sa teleradyo gamit ang paksa tungkol sa mga “jeepney drivers” na
nawalan ng pansamantalang pagkakakitaan at kasalukuyang nanlilimos
sa ilang kalye ng Kalakhang Maynila. Gamiting gabay ang rubrik na nasa
ibaba at sagutin ang mga kasunod na tanong gamit ang iskrip ng balita
na iyong ginawa at binasa. Gawin ito gamit ang iyong sagutang papel.

PAMANTAYAN 5 3 1

Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan,
Kailan, Bakit at Paano
May maaksyong ulo ng balita
May malinaw na pamatnubay
Maaksyon ang nilalaman

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

Baitang 4 FILIPINO

_________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) 5
Sumusunod sa inverted pyramid o pababang
kahalagahan
Buo ang detalye ng balita
Hindi maligoy ang pagtalakay sa balita
May tatlong bahagi: panimula, gitnang nilalaman
at wakas
Diretso at walang pinapanigan at gumamit ng
iba’t ibang uri ng pangungusap
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng iyong binasang iskrip ng balita?
2. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa balita?
3. Saan ito nangyari?
4. Kailan ito nangyari?
5. Bakit ito nangyari?
6. Paano ito nangyari?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.