Questions


October 2021 2 1 Report
B. Panuto: Salungguhitan ang ginamit sa pangungusap na mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

1. Ang pagtulong ng Saint louis College sa mga na-stranded na mga mag-aaral dahil sa lockdown gawa ng COVID- 19 ay nagpapahiwatig ng pagiging tunay na Luwisyano

2. Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na ang St. Agnes Academy ay isang Benedictine School

3. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 381 trilyong piso para sa muling pagbangon ng mga Pilipino mula sa krisis sa pandemya.

4. Ang lahat ng mga tao sa kanilang bayan ay nasa loon na ng kani-kanilang bahay sa tuwing sumasapit ang ika- 10 ng gabi, patunaylamang na sumusunod sila sa ipinag-uutos ng gobyerno.

5. Katunayan, kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral sa Rehiyon 1 ay interesado sa blended learning.

6. Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ay nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito.

7. Ang mahigit 18 libong nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang magpapatunay ng bagsik at lupit ng di nakikitang sakit o kalaban.

8. Ang unti-unting pagdami ng mga bilihin sa mga pamilihang bayan ng buong Rehiyon 1 ay nagpapatunay na bumabangon ang komersyon sa lugar nila.

9. Ang Rehiyon 1 ay kasali na sa mga rehiyon na COVID-19 free, nagpapahiwatig na ang mga tao rito ay sumusunod sa mga alituntunin ng gobyerno.

10. Katunayan, ang mga Senior Citizen at mga bata ay pinagbabawalang lumabas ngayong panahon ng COVID-19 para sa kanilang kaligtasan.​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.