B. Panuto: Itiman ang titik A kung ang paghahambing sa pangungusap ay mag katulad, B naman kung ang paghahambing ay di magkatulad.
21. Higit na maraming mag aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
22. Si Ken ay di gasinong masipag na gaya ni Philip.
23. Si Josh ay kasinggaling ni Stell sa pagsayaw
24. Ang nakita naming isda sa lawa ay kasinlaki ng bangkang papel.
25. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.
26. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
27. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.
28. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio
29. Ang magkaibigan ay magkasintangkad
30. Singhaba ng sinturon ko ang sintas ng sapatos ko.
Answers & Comments
Answer:
B
B
A
B
A
B
B
A
A
KAYO NA BAHALA UMINTINDI KUNG ANONG NUMBER SUNOD SUNOD NAMAN YAN