Questions


October 2021 1 6 Report
B. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang panghalip na pamatlig na bubuo

sa pangungusap.

1. Kinukuwento ni Andrea kay Ella ang pagpunta niya sa tiangge kahapon

“Maraming produkto ang binebenta sa tiangge. ______ ko nga nabili ang bag tsinelas ko Sabi ni Andrea

2. Si Nanay ay galing sa kusina. Pumasok siya sa silid ni Tina.

“May inihain akong bananacue. Gusto mo bang kumain ______ ?” tanong ni nanay

3. Nasa loob ng bahay ang magkapatid na sina Nico at Diego. Narinig nila ang kanilang alaga.

“Tumatahol ang aso sa labas. Baka gutom na _____ ,” sabi ni Nico.

4. Nakita ni Becky ang kuwintas na suot ng kanyang kaibigan na si Danielle.

“Bago ba ang kuwintas na suot mo?” tanong ni Becky kay Danielle.

“Ngayon ko lang nakita ______ .”

5. Pumunta si Jose sa bahay ng kanyang kaklase na si Alex. Nakausap niya

ang nanay ni Alex. “Maagang umalis si Alex papuntang paaralan. Magkita

na lang daw kayo _______ ,”sabi ni Ginang Gonzalez.

6. Hawak ni Ginang Mendoza ang mga bahagi ng nabasag ng plorera.

“Sino ang nakabasag ______ ?” tanong ni Ginang Mendoza sa mga mag-aaral

7. “Hindi po kami ang nakabasag ______ ,” sagot ni Ramon.

8. May hawak na pitaka si Rica at kausap niya ang punong guro.

“Nahanap ko po ______ sa pasilyo,” sabi ni Rica.

9. “Siguradong matutuwa ang may-ari ______ ,” sagot ng punong guro.​Ibinigay ni Rica ang pitaka sa punong guro. “Salamat, Rica,” sabi ng punong
guro.


10.Nasa opisina si Abe. Tumawag siya sa bahay at nakausap niya si Belen.
“Belen, naiwan ko ba ______ ang cellphone ko?” tanong ni Abe.


11.“Oo, naiwan mo nga ______ ,” sagot ni Belen. “Uuwi ka na ba?”


12.“May gagawin pa ako ______ sa opisina,” sagot ni Abe.
13.Nag-uusap ang mag-ina na si Bea at Kristin.
“Sa Singapore nagtatrabaho ngayon ang itay mo. Kasama niya si Tito
Manny ______ ,” sabi ni Bea.


14.“Kailan po ba uuwi si Itay ______ sa atin?” tanong ni Kristin.
“Pagkatapos ng tatlong buwan, makakauwi na siya,” sagot ni Bea.
May hawak na sobre si Kristin at lumapit siya sa kanyang inay.
15.“Inay, gusto ko pong ipadala ang sulat na ______ kay Itay sa Singapore?


16.Ano po ba ang tirahan na isusulat ko ______ sa sobre?” tanong ni Kristin.


17.Pumasok sa sala si Tita Anna na may dalang malaking regalo. Napansin
siya ni Mitch.
“Wow! Para kanino po _____ , Tita Anna?” tanong ni Mitch.


18.“Para sa iyo ______ !” sabi ni Tita Anna.
Tinitingnan ni Binibining Marcelino ang isang larawan sa eksibit.


19.“Napakaganda ng larawan! Sino ang gumawa ______ ?” tanong ni
Binibining Marcelino. Narinig siya ni Corinna na tumitingin sa larawan na
katabi ng larawan na tinitingnan ni Binibining Marcelino.


20.“Si Teresa po ang gumawa ______ . Magaling po siya magguhit,” sagot ni
Corinna.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.