B. PANUTO: Gamit ang mga salitang pang-uri, gumawa ng isang talata kung paano mo
mapapasalamatan ang iyong magulang sa pagtulong niya sa iyo sa pagsasagot mo ng m
ang salitang pang-uri sa iyong talata. Isulat sa tamang ayos ng isang talata ang iyong sa
Answers & Comments
Answer:
Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng ako’y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa ‘ki’y totoo
Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.
Ako’y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral
Upang ‘di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap
Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.