B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat
bilang. Punan ng Tama ang bawat patlang kung nagpapakita ng wastong
pagtatapon ng basura at Mali kung hindi.
______1. Gumawa ng magkahiwalay na kahon para sa basurang
nabubulok at hindi nabubulok.
______2. Sinunog ang basura sa ilalim ng puno ng mangga upang mamunga.
______3. Itinatapon sa compost pit ang naipong basura upang gamiting
pataba sa mga halaman.
______4. Nagsusunog ng mga sirang goma ng sasakyan tuwing sasapit ang
bagong taon.
______5. Gumagamit ng mga lumang tsinelas sa pag papaapoy sa camp fire.
______6. Tuwing hapon nagsisiga ng papel si Edna para itaboy ang mga
lamok.
______7. Sinusunog ni Ella ang mga proyektong ibinalik ng guro matapos
Ipasa.
______8. Hiniwalay ni Aya ang mga lumang gamit sa bahay upang sunugin.
______9. Hinayaan ni Liam na sunugin ni Baste ang mga plastik ng
mga tsitsirya na kanilang pinagkainan.
______10. Madalas sinasaway ni Noel si Jessica kapag nakikita niyang
susunugin ang mga naipong kalat sa bakuran ng bahay.
GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang sumusunod, pangatwiranan ang iyong sagot.
Isulat sa malinis na papel. Ano ang gagawin mo kung...
1. Hindi alam ng iyong kabarangay na bawal ang pagsusunog ng
basura?
______________________________________________________
____________________________________________________ .
2. Nakikita mo sinusunog ng nanay mo ang mga nakalap na mga
lumang gamit sa inyong bahay?
______________________________________________________
______________________________________________________ .
3. Pinasusunog sa iyo ng lolo mo ang mga tuyong dahon ng mangga
sa inyong bakuran?
______________________________________________________
___________________________________________________ .
4. Kasama ka sa overnight camping, sinabi ng lider na mag ipon ng
mga tuyong kahoy para sa campfire?
______________________________________________________
___________________________________________________.
5. Nakasanayan na ng inyong pamilya ang pagsusunog ng goma
tuwing sasalubungin ang bagong taon?
______________________________________________________
_____________________________________________________.
please pasagot po ito...
10 points po ito please po Gawain1 nalang po or Gawain 2 po mamili nalang po kayo.
Salamat sa pag sagot...
Answers & Comments
Answer:
1.TAMA
2.MALI
3.TAMA
4.MALI
5.MALI
6.MALI
7.MALI
8.MALI
9.MALI
10.TAMA
1.Kung hindi nila alam na ito ay ipinag babawal maari mong ipaliwanag sa mahinahong paraan sa pamamagitan na ito makatutulong ka sa pangangalaga sa kalikasan.
2.Dapat mong sabihin sa iyong nanay na mali ang pagsusunog ng mga lumang gamit dahil nakakadagdag ito sa polusyon.
3.Mali ito dahil maaring kumalat ang apoy papunta sa iba pang halaman at nakasisira din ito sa kalikasan.
4.Maghahanap ng tuyong dahon para sa campfire dahil hindi naman ito lumalabag sa batas ng tao at kalikasan.
5.Babaguhin ang kasanayang ito, maaring gamitin ang torotot at iba pang gamit upang magpaingay ng mga gamit, nakasisira ng kalikasan ang pagsusunog ng goma.