Questions


August 2022 1 4 Report
B. Panuto: Basahin ang salaysay sa ibaba.

Sabay-sabay Tayo
Isang araw, matapos manalangin ay sama-samang kumain ang pamilya Gulayan sa kanilang bahay-kubo. Habang nasa hapag-kainan, hindi maiiwasang mag-usap-usap ang mag-anak "Alam n'yo bang ang mga halaman ay maraming naitutulong sa atin? Maari itong gawing pagkain, pamatid-uhaw gaya ng buko, palamuti sa tahanan, at maaari ding makagamot ng karamdaman," sabi ng Tatay. "Opo!" sagot ni Sha-Sha. "Itinuro po iyan sa amin ng aming guro. Tulad po ng oregano na gamot po sa ubo," pagpapatuloy ni Sha-Sha. “Aba, at nakikinig ka pala sa iyong guro," ang natatawang wika ng Nanay. "Opo naman, Nanay," ang nakatinging tugon ni Sha-Sha. "Ako po!" ang masayang sabi ni Aga." may nabasa po ako sa internet tungkol sa gulay na nakapagpapagaling. Saglit lang po at kukunin ko ang aking kopya doon sa kuwarto ko." Dall-daling tumayo si Aga at tinungo ang kaniyang kuwarto upang kunin ang kopya ng artlikulong kaniyang nabasa.

Noon ay tapos na silang kumain at nagbabahagi na lamang ng kani-kanilang natutuhan sa araw na iyon kaya pagbalik ni Aga, agad niyang binasa ang hawak niyang artikulo. "Sige. Aga, ano ang sinabi ng artikulong iyong nabasa?" ang tanong ng Tatay. Agad namang binasa ni Aga ang artikulo na tila isang tagapagsalita sa radyo. "Ang Pilipinas ay isang bansang sagana sa likas-yaman, kabilang dito ang mga puno, halaman gaya ng gulay, prutas, halamang gamot, bundok, talon, mga hayop, at iba pa. Naniniwala ang ating mga ninuno sa mga halamang gamot at mula sa tradisyong ito, sa kasalukuyang panahon ay unti-unti nang dumarami ang natutuklasang halamang gamot, isa na rito ang okra na kilala rin sa tawag na lady fingers sa wikang Ingles.

"Hindi kaakit-akit ang okra sa paningin ng iba ngunit kung ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang larangan ng medisina, mamamangha ang sinuman sa pambihirang kakayahan ng gulay na ito. "Maganda ang okra sa digestive system natin. Nakatutulong ito sa pagpapadali ng sistema ng pagdumi natin. Gayundin, kabilang ang ilang seryosong karamdam gaya ng colitis (pamamaga ng lining ng colon), diverticulitis (maliit na umbok na parang bulsa sa ating digestive system), at iba pa, ang nabibigyang lunas ng gulay na ito. "Ang araw-araw na pagkain ng okra ay makabubuti sa mga taong may diabetes dahil nakatutulong ito sa ating katawan na gawing balance ang glucose (katawang pangmedisina para sa asukal sa ating katawan), kaya nagagawa nitong huwag masyadong dumepende ang isang diabetic (taong mataas ang asukal sa katawan) sa insulin (isang hormone sa ating katawan na tumutulong upang masipsip ang asukal sa ating dugo). Sa katunayan, marami na ang nagpatotoo na tuluyan silang gumaling sa diabetes (sakit na tumutukoy sa abnormal na dami ng asukal sa katawan) dahil sa okra. "Hindi lang diabetes ang nagagamot ng okra, itinuturing din itong likas na paraan ng kidney dialysis, nakatutulong sa pagbawas ng mga lason sa dugo, tumutulong sa tungkulin ng atay, nakapagpapababa ng kolesterol, at napipigilan ang pagkalat ng kanser.

"Nagtataglay rin ito ng tone toneladang likas na bitamina, mineral, at sustansiya. Ang okra ay mayroong dalawang uri ng Aber (uri ng carbohydrates na natutunaw) na napakahalaga sa ating kalusugan, ang soluble (natutunaw ng tubig) at insoluble fiber (hindi natutunaw ng tubig), ang mga ito ay parehong kailangan ng katawan ng tao. Sakatunayan, okra ang isa sa mga nagtatagalay ng pinakamataas na bahagdan ng ganitong uri ng fiber sa lahat ng gulay. "Ito po si Aga ang inyong tagapagbalita," ang seryosong pagtatapos ni Aga Sabay-sabay na nagtawanan ang pamilya Gulayan "Aba. Aga at Sha-Sha, dapat pala tayong kumain ng okara at iba pang mga gulay dahil bukod sa ito ay masustansiya nakagagamot pa ng karamdaman," ang paalaala ni Tatay sa dalawang anak

"Tama ka diyan, Tatay," ang wika naman ng Nanay. Masayang nagtulong-tulong ang pamilya sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan at sa iba pang gawaing bahay.

PAG-UNAWA MULA SA BINASANG TEKSTO:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Bakit kailangan kumain ng gulay ang mga tao?
3. Paano nakatutulong ang sabay-sabay na pagkain ng isang pamilya sa magandang samahan ng bawat miyembro nito?
4. Batay sa binasang teksto, paano mo ilalarawan ang pamilya Gulayan? Bakit
5. Anong aral mula sa salaysay ang iyong natutunan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.