Questions


October 2022 1 3 Report
B. Pa A. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang napiling titik na iyong sagot sa kuwaderno 1. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo? A. Pagagalitan ko ang aking kapatid. B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay. C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang. D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase. 2. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin? A. Sasali sa paligsahan. B. Hindi ka sasali sa paligsahan. C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan. D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban. 3. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin? A. Sasama kang maligo sa ilog. B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog. C. Sasama ka ngunit hindi maliligo D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang 4. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo? A. Pagagalitan ko ang aking kapatid. B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin. C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin. D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.