B. Isulat ang titik ng iyong hinuha o palagay sa maaring kalabasan ng pangyayari.
Tanong 11-15
11. Naglalaro sa gilid ng kalsada ang magkakaibigang Julius, Harold at Noel nang biglang mawalan ng preno ang isang sasakyang papalapit sa kanila. Malakas na nagsigawan ang mga tao malapit sa dahil: *
A. Muntik nang mahagip at masagasaan ang mga bata
B. Nagalit ang driver
C. Pinalo sila ng kanilang magulang
D. Nagalit ang mga tao sa driver

12. May ubo’t sipon na si Mercedes at sumugod pa din siya sa malakas na ulan kaya siya ay ______________.
1 point
A. napagalitan ng nanay
B. napagsabihan ng kapitbahay
C. nagkasakit at lumala ang ubo’t sipon
D. natutuwang nakauwi ng bahay

13.Malakas na ang hangin at ulang dulot ng bagyo subalit marami pa ding nakatira sa mababang lugar ang ayaw umalis.
A. Sila ay nalubog sa baha.
B. Sila ay sinagip ng rescuers.
C. Sila ay nagsisi sa katigasan ng ulo.
D. Lahat ay maaring maganap o mangyari.

14. Ayaw na ayaw ni Ronnie ang nahuhuli sa pagpapasa ng proyekto. Isang araw habang gumagawa ng proyekto tinawagan siya ng kaibigan at hinamong maglaro na lamang sila ng ML. Ano kaya ang gagawin ni Ronnie?
A. Maglaro ng ML
B. Susunod sa kaibigan
C. Gagawa ng proyekto
D. Magpapaalam sa nanay

15. Gustong – gusto ni Marie ang bestidang nakahanger sa isang mall na pinuntahan nila. Nais niyang ipabili sa nanay subalit alam niyang konti na lamang ang pera ng nanay. Kung ikaw si Marie ano ang gagawin mo?
A. Pilitin ang nanay na ibili siya.
B. Sa ibang araw na lamang magpabili.
C. Kakalimutan na lamang ang bestida.
D. Magtatampo sa nanay.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.