Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap. Gawin itong isang talata. Pagsunod-sunurin ito ng naaayon sa konsepto o nilalaman. Bigyan ng angkop na pamagat ang mabubuong talata.
1. Kapag nagtagpo ang kurba ng demand at kurba ng suplay ay nangangahulugan ng ekwilibriyong presyo at dami nito.
2. Ang interaksyon ng demand at suplay ay nagreresulta ng Market Equilibrium.
3. Kung mas marami ang suplay kaysa sa nagdedemand, maaring bumaba ang presyo ng produkto.
4. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang bilang ng demand at bilang ng suplay ay magkapareho.
5. At kung mas kakaunti naman ang suplay kaysa sa nagdedemand; posibleng tumaas naman ang presyo ng mga produkto sa Pamilihan.