Questions


January 2022 1 5 Report
ayanin,
dang ugnayan bilang magkapamilya o magkaibigan 6 Sa kabila nang lahat ng ito,
masigla at puno ng buhay si Joven Matalino, nangunguna sa talakayan, matataas ang marka at magaling
na pinuno. Hindi mababakas sa kanya na pinagdaraanan niya ang mga sakripisyong nabanggit dahil sa
kanyang positibong pagtingin sa buhay Dahil sa angking talino sa pagguhit, binabayaran siya ng kanyang
mga kamag-aral sa drawing na pinapagawa nila Dahil matalino, nagpapaturo ang mga anak ng kanilang
kapitbahay sa kanilang mga aralin at inaabutan siya ng mga magulang nila ng kaunting halaga. Sampung
piso man ito o limampung piso, ibinibigay niya ito sa kanyang ina pandagdag sa kanilang gastusin May
mga araw na walang pasok na kailangan niyang magmaneho ng Sikad-sikad (pedicab na de padyak) para
matulungan ang pamilya at matustusan ang ilang pangangailangan sa pag-aaral nilang magkakapatid
Niyaya din siya ng kanyang mga kaibigan sa ilang mga lakaran subalit mas pinipili niya ang makauwi agad
at makatulong sa kanyang ina at magawa ang mga gawain Ang liwanag na tumatagos mula sa siwang ng
kanilang dingding na nagmumula sa ilaw ng kanilang kapitbahay ang tanging tanglaw nila sa gabi. Wala
man silang mesa at upuan, hindi ito sagabal sa kanyang pag-aaral Kahit minsan hindi siya pumasok ng
klase nang hindi gawa ang takdang aralin at walang proyekto. Ang poste ng ilaw sa kalyeng malapit sa
kanilang bahay ang naging saksi ng kaniyang pagpupursigi.
Gawain 1: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa mga sumusunod na linya ng
iyong LAS ang iyong kasagutan.
Mga Tanong:
1. Ano ang pinahahalagahan ni Joven sa buhay na nais niyang abutin?
2. Ano-ano ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay na makahahadlang sa kanya sa pag-abot nito?
3. Ano-ano ang ginawa niya upang malampasan ito?
4. Ano ang nalinang sa kanyang pagkatao dahil dito?
5. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng tao sa kilos o gawain niya? Gamitin mo ang tsart sa
ibaba sa pagsagot sa mga tanong na ito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.