Naalala ni Danding ang mga ikinuwento sa kanya ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama. Ang pagsasarangola nito sa bukid, ang unang pagkahulog nito sa kalabaw, ang una nitong pag-ibig. Nagugunita niya lahat. Napangiti siya sa sarili. Habang nakaupo sa mahamog na damohan, sa ibabaw ng asul na kalangitan, nakaramdam siya nang isang masidhi na emosyon - ang pagmamahal sa lupang tinubuan. Lupang tinubuan ng kanyang pinakamamahal na ama. Tama. Nakapagdesisyon na siya. Dito, sa nayon na ito gugugulin niya ang buhay niya. Pagsisibilhan niya ang lugar na pinaglakihan nang ama niya, ang lugar na nakaukit sa puso niya.
Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit inialay ni Jose Rizal ang buhay niya para sa inang sinilangan. Kung bakit naghirap si Andres Bonifacio para sa kapakanan ng Pilipinas. Naiintindihan na niya. Habang nag-iisip sa mga gagawin niya, naalala niya bigla ang dahilan ng pagpunta niya dito. Baka nag-aalala na sila sa akin. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Suminghap siya at huminga ng malalim. Nalalasap niya ang simoy ng hangin.
Answers & Comments
Answer:

#carryonlearning