Ma, Pa, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa nyo sa aking mabuti. Unang-una ay ang pag-aaruga nyo sa akin. Sa tuwing may sakit ako ay binibilhan nyo ako ng gamot, pinagsisilbihan, at binabantayan upang ako ay gumaling. Nandyan kayo upang ako ay protektahan at laging nagpapaalala na pakaingatan ang aming sarili nang sa ganon ay makaiwas kami sa sakit at karamdaman. Kayo ang nag-alaga sa akin simula noong sanggol pa lamang ako hanggang ngayon ay hindi nyo pa rin ako pinapabayaan.
Pangalawa, maraming salamat sa inyong pagsusuporta sa akin. Sa mga bagay na gusto ko ay nandyan kayo upang suportahan ako. Sa eskwelahan na lagi kayong nandyan upang i-cheer ako na siyang lalong nagbibigay sa akin ng kompiyansa sa sarili na makakaya ko ang mga bagay na ito. Sa mga talento ko ay patuloy akong lumalago dahil sa suporta ninyo. At sa pagmomotivate sa akin upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay ay napakalaking tulong sa akin.
At pangatlo, maraming salamat aking mga magulang dahil sa pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal nyo sa akin. Ako ay maswerte dahil may mga magulang ako na araw-araw nagmamahal sa akin ng buong puso. Pagmamahal na hindi matutumbasan. Pagmamahal sa salita at sa gawa na siyang lalong nagpapatibay sa relasyon ng isang pamilya. Pagbibigay sa akin ng saya kapag nakakasama ko kayo. Pagbibigay ng pagkakataong makabonding ko kayo ay napakalaking biyaya para sa akin ang ganitong mga magulang na silang dapat pasalamatan ng husto at suklian ng kabutihan dahil sa inyong pagsasakripisyo at pagmamahal.
Answers & Comments
Answer: