Questions


October 2022 1 5 Report
ARTS
11. Natutuhan mo na ang luwad ay maaaring gamitin sa gawaing pansining. Alin ang ginagamitan ng
luwad?
A. pagguhit
B. pagkulay
C. paglilimbag D. pagmomolde
12. Nagpakita si Bb. Sabanal ng isang inilimbag na larawan. Anong disenyo ang ipinakikita ng larawan?
A. mga hugis na may ritmong paulit-ulit
B. mga hugis na may ritmong salit-salit
C. mga linyang hindi gumagalaw
D. mga linyang gumagalaw
ibaba?
13. Ang mga linya ay may mga katangian. Anong katangian ang ipinakikita ng larawan sa
A. makapal
C. malambot
B. makitid
D. manipis
14. Ano ang dapat mong gawin kapag pinuna ang iyong natapos na gawaing sining?
A. magalit
C. punahin ang gawa ng nagbigay ng puna.
B. huwag pansinin ang puna
D. tanggapin nang maluwag sa kalooban ang puna.
15. Bakit mahalagang mailahok ang likhang sining sa mga eksibit?
A. upang maipakita ang kulturang sumasalamin sa produkto o likha.
B. upang makita ng mga tao ang mga produkto o likha.
C. maipagyabang ang mga produkto o likha.
D. magsilbing inspirasyon sa iba.
16. Alin sa sumusunod na elemento ng sining ang maaari mong pagsalit salitin?
A. linya, hugis at armonya
C. linya, ritmo, at contrast (contrast)
B. linya, hugis, at kulay
D. linya, tekstura (texture)at balanse
17. Itinuro ni Gng. Montañez kina Cecilia ang paggawa ng isang relief
master. Malapit na ang Buwan ng mga Puso. Ano ang maaari niyang gawin na magagamit ang kaniyang relief
master?
A. Pag-drawing sa ginawang relief master.
B. Paggagawa ng panibagong relief master.
C. Hindi ko na lang gagamitin at magbibigay na lang ng card.
D. Paglalagay o paglilimbag ng disenyong paulit-ulit at salit-salit sa Card.
18. Gagawa kayo ng isang obra sa pamamagitan ng paglilimbag gamit ang luwad. Ano ang unang hakbang na
dapat mong gawin sa luwad?
A. patigasin
C. lukit dito ang napiling disenyo
B. lagyan agad ng pintura
D. pagulungin ang luwad upang lumambot
19. Ano ang dapat mong gawin upang umunlad ang iyong kakayahan sa malikhaing pagpapahayag?
A. mangopya ng gawa ng iba
B. maghanap ng magagandang disenyo
C. mag-isip at gumuhit ng sariling disenyo.
D. bumakat ng magagandang larawan sa aklat
20. Kung guguhit ka ng isang disenyong ililimbag at pinakukulayan ito ng iyong guro ng iba't ibang kulay, paano mo
ito gagawin?
A gagamitin ang isang kulay lang
8. gagamitin lang ang puti sa paghalo
C. gagamitin ang lahok-lahok na kulay
D. gagamitin ang kalamlaman, katingkaran, at kapusyawan ng kulay​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.