araw
Mansanas at Ubas
Ako ay anak ng isang magsasaka, laki sa hirap ng buhay, sa payak na pamumuhay
sa nayon. Pasko at
lamang ng pangingilin kung makatikim ng masasarap na
pagkain. Baayabas ang aking mansanas, mansanitas ang aking ubas. Bawat butil ng palay
ay mahalaga, katumbas nito'y pawis, dugo at buhay ng aking ama.
Nagsikap akong mabuti na ang bawat sentirno na aking tinatanggap sa pagtulong sa
bukid ay aking iniipon. Ako ay patuloy na nangarap habang lagi kong tinatandaan ang
lahat ng pangaral, tagubilin at perang ibinibigay sa akin ni inay.
Kasabay ng pangarap ang pagsisikap kong makapag-aral sa bayan, marating ang
mga lugar na nararating ko lamang sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro at pakikinig sa
radyo.
Matapos ang ilang taon ng aking pagsisikap, baon ko pa rin ang pangarap na unti-
undi ko nang tinutupad. Unti-unti ko nang nararating ang mga lugar na noon ay naririnig
ko lamang at inilalarawan sa aking isipan. Nakakain ko na ang mga pagkain at prutas na
noon ay madalang pa sa patak ng ulan kung aming matikman. Masinop ko pa ring
inlingatan ang lahat ng pangaral ni inay sapagkat naniniwala akong utang ko sa kaniyang
mga pangaral ang aking kasaganaan ngayon.
Tanong:
1. Ano ang kapalit ng mansanas at ubas na kinakain ng anak ng magsasaka sa
kuwento?
2. Kailan lamang nila naranasang kumain ng tunay na mansanas at ubas?
3. Paano nabago ang buhay ng anak ng magsasaka?
4. Naranasan mo ba ang karanasang nabasa mo?
5. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang nasa kuwento?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.