Araw ng Sabado, maagang gumising si Dino.Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas aykumpleto ang kaniyang buong pamilya.Tumulong siya sa mga gawaing bahay. Nangmatapos siya ay tinulungan niya angkaniyang nanay sa pagluluto ng kanilangpagsasaluhang pagkain. Masayang nagsalosaloang buong pamilya sa inihanda ni NanayLita para sa kanilang buong pamilya.Matapos kumain binuksan ni tatay angkanilang karaoke upang magkantahan.Walang pagsidlan ang naging saya ni Dino sapangyayaring ito sa kanilang pamilya.
Habang sila ay nagkakasiyahan biglangnapahinto si Dino. Napatanaw siya sabintana. Napansin niya na nagkakaguloang mga tao. Lumabas siya ng kanilangbahay. Pinuntahan niya ang isangkakilalang tumatakbo at nagtanongkung ano ang nangyayari. Itinuro nitoang mga bahay at laking gulat niya ngmakita na may sunog pala sa kanilangbarangay. Napansin niya na dalawangbahay na lamang at aabutan na rin angkanila kaya dali-dali niyang pinuntahanang kaniyang pamilya.“Inay! Itay! May nasusunog po sa labasat dalawang bahay na lamang po atmadadamay na rin po ang ating bahay”ang sabi ni Dino. “Anong sunog? Naku!Ano ang gagawin natin, Lito?”natatarantang tanong ni nanay kaytatay. “Huwag po tayong matakot atmataranta nanay. Nakahanda namanpo ang mahahalagang gamit natinkukuhanin ko lamang po sandali”,mahinahong sabi ni Dino sa kaniyangina. Pagkakuha ng gamit ay kaagad nalumabas ng kanilang bahay ang buongmag-anak. Laking pasasalamat nila Dino ng kaagad naagapan ang sunog at hindi inabot angkanilang bahay. Dahil sa nangyari nagpasya ang buong mag-anak na ipatingin angmga outlet ng kanilang kuryente na naging sanhi ng sunog na naganap sa kanilangbarangay, bilang pag-iingat na rin at upang masigurado na wala ng sunog namangyayari pa. Bukod dito, naging ugali na rin nila Dino na alisin ang lahat ngkanilang kagamitang de-koryente sa saksakan sa tuwing sila ay umaalis ng kanilangbahay.

Ano ang okasyon sa tahanan nila Dino?
Bakit tuwang-tuwa si Dino?
Ano ang nakita niya nang sumilip siya sa kanilang bintana?
Ano ang ginawa ni Dino nang makitang natataranta ang kaniyang Nanay Lita?
Kung ikaw si Dino ano ang gagawin mo sa ganoong sitwasyon? Bakit?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.