Questions


September 2022 1 1 Report
Araw ng Sabado habang papalabas ng gate ng bahay si David nang makita niya ang kaniyang kapitbahay na si Jhaziel. DAVID Naku Jhaziel! Delikado sa kalusugan pati na rin sa ating kalikasan ang pagsusunog ng basura lalo na ang mga palstik na iyan. Huwag na huwag mong gagawin iyan. JHAZIEL : Hayaan mo na David wala naman nakakakitang iba. DAVID :Kahit na Jhaziel ang pagsusunog ng mga basura ay naglalabas ng lason tulad ng carbon monoxide, carbon dioxide at iba pa na maaring magresulta sa sakit sa baga kung ito'y malalanghap. JHAZIEL : Ganun ba? DAVID : Oo, hindi lamang iyon. Ito rin ay naksisira sa ating Ozone Layer. Ang Ozone Layer ang nagpoprotekta sa atin sa matinding init ng araw JHAZIEL : Ganun ba, simula ngayon hindi na ako magsusunog ng mga plastik at iba pang basura sa halip ay paghihiwa-hiwalayin ko ang nabubulok, di-nabubulok, at mga basurang puwede pang magamit muli. DAVID : Iyan ang nararapat mong gawin. Melinda Lourdes C. Amoyo Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII Mga tanong 1. Ano ang paksa ng binasang usapan? 2. Sino ang dalawang nag-uusap? Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang kilos at pahayag. 3. Ayon sa binasa, bakit hindi dapat magsunog ng mga basura lalo na ang mga plastik? 4. Sang-ayon ka ba kay David? Kung gayon, ano ang iyong mungkahi para mapangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan? 5. Ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng usapan na iyong binasa?




1.Ang pagsusunog ng basura gaya ng plastik ay masama sa kapaligiran at kaliksasan.
2 Sina David at Jhaziel
3 Ito ay nakasisira sa ozone

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.