Araw ng Sabado, abala ang lahat sa paghahanda para sa
ika-pitong kaarawan ng aming bunsong si Carla. Nagluto si
Nanay ng masarap na ispageti at pansit. Pritong manok at hotdog
naman ang niluto ni Ate Belen. Inayos ni Kuya Melo ang mga
upuan at mesa sa hardin. Naglagay din kami ng makukulay na
lobo at magagandang bulaklak bilang palamuti. Bumili naman si
Tatay ng malaking keyk sa bakeshop. Madaling natapos ang
aming gawain bago dumating ang oras ng pagdiriwang.Nang sumapit ang ikatlo ng hapon ay masayang sinimulan
ang pagdiriwang. Tuwang-tuwa ang mga bata sa ibat ibang
palaro na aming inihanda at masaya silang nagkainan.Ang lahat
ng bisita ay umuwi nang may ngiti sa labi matapos ang
pagdiriwang. At muli ay nagtulong-tulong pa rin ang bawat isa
sa paglilinis at pagliligpit ng mga ginamit sa salusalo.
Sagutin ang mga katanungan
1. Sino ang may kaarawan?
2. Ano ang ginawa ni Nanay?
3. Ano naman ang ginawa ni ate Belen?
4. Ano ang inayos ni Kuya Melos sa hardin?
4. Saan bumili ng keyk si Tatay?
5. Ano ang naramdaman ng mga bisita pagkatapos ng salusalo?
6. Bakit natapos agad ang kanilang gawain?
patulong plss
Answers & Comments
Answer:
1. Sino ang may kaarawan?
Si Carla
2. Ano ang ginawa ni Nanay?
Nagluto ng masarap na ispageti at pansit
3. Ano naman ang ginawa ni ate Belen?
Nagluto ng manok at hotdog
4. Ano ang inayos ni Kuya Melos sa hardin?
Inayos niya ang mga upuan at mesa sa hardin
5. Ano ang naramdaman ng mga bisita pagkatapos ng salusalo
Umuwi ng may ngiti sa labi
6. Bakit natapos agad ang kanilang gawain
Sapagkat nagtulongtulong ang bawat isa sa paglilinis at pagliligpit sa mga ginamit sa salusalo
4. Saan bumili ng keyk si Tatay?
Sa bakeshop
Explanation:
#Carry on Learning