Araw ng Linggo Masayang-masaya si Adrian sapagkat araw na ng Linggo. Ito ang araw ng kanilang pagpunta sa simbahan. Ito rin ang araw na nagpipiknik silang mag-anak sa Luneta Park pagkatapos magsimba. Walang pagsidlan ang kanyang katuwaan sapagkat magkakasama na naman sila ng kanyang mga kapatid at magulang. Habang nasa simbahan, panay ang ngiti ni Adrian sapagkat maraming tao ang nagsimba sa araw na ito. Maraming ding mga kabataang katulad niya ang nandoon. Matiyaga siyang nakinig sa paring nagmemesa sapagkat iyon ang bilin ng kanyang ina at tumatak sa kanyang isipan ang sinabi nitong mas mainam ang magbigay sa iba kaysa sa ikaw ang bibigyan. Pagdating nila sa Luneta Park, agad niyang tinulungan ang kanyang ina sa paglalagay ng mga gagamitin nila. Habang kumakain may napansin siyang batang nakatingin sa kanya partikular sa hawak niyang pagkain. Batid niyang gutom na gutom ito dahil nakahawak to sa tiyan habang nakatingin sa kanyang pagkain. ᴘᴀ ʜᴇʟᴘ ᴘᴏ
Answers & Comments
Answer:
Ibigay sa bata ang pagkain sapagkat mas nangangailangan siya at para makatulong na din sa kapwa