ARALING PANLIPUNAN 5

SUMMATIVE 4 – Q3



I. Isulat kung tama o mali.

________ 1. Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang pagbibinyag sa kanila bilang Kristiyano.

________ 2. May pagkakaisa ang mga sultanato sa Mindanao.

________ 3. Pangangalap ng mga yaman o ginto ang pangunahing dahilan ng tangkang pananakop ng mga Kastila

sa mag katutubong Igorot.

________ 4. Nagpakita ng katapangan ang mga Muslim hanggang matapos ang kolonyalismong Espanyol sa

Pilipinas.

________ 5. Lahat ng mga Pilipino ay sumunod at nagpasakop sa kolonyalismong Espanyol.

________ 6. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga katutubo at natuto silang lumaban para sa kanilang

kalayaan at sa bayan.

________ 7. Napakalaking impluwensya ng kulturang Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino.

________ 8. Noong panahon ng mga Espanyol ang lahat ng mga Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na

pumasok sa paaralan anoman ang antas sa lipunan.

________ 9. Ang panonood at paggalang sa kultural na pagtatanghal ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura

ng mga Pilipino.

________ 10. Ang mga aklat na nalimbag sa panahon ng Espanyol ay may kinalaman sa relihiyon.

________ 11. Wala ng bakas sa kasalukuyan ang mga uri ng pananamit na dala sa atin ng mga Espanyol.

________ 12. Ang mga Ilustrado ay nagsulat ng mga libro at pahayagan na tumutuligsa sa mga Espanyol.

________ 13. Bumuo ng lihim na samahan ang mga katutubo upang labanan ang pagmamalupit ng mga Espanyol.

________ 14. Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.

________ 15. Nagkaroon ng pag-aalsa sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa laban sa mga Espanyol.

II. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Lakandula Comandancia Apolinario Dela Cruz

Doctrina Christiana Juan de Salcedo Muslim

Igorot Francisco Dagohoy Legazpi

Gabriela Silang Organong Kawayan Magat Salamat

Bahay na Bato Juan Luna Senakulo

_
_____________________ 1. Nagnais maging pari ngunit tinanggihan ng mga paring Dominikano kaya nagtatag ng

samahan na tinawag na Confradia de San Jose.

______________________ 2. Pinamunuan ang pinakamahabang pag-aalsa laban sa mga Espanyol.

______________________ 3. Nag-alsa laban sa Kastila dahil binawi ang binigay sa kanyang karapatan ni Legazpi.

______________________ 4. Siya ang maybahay ni Diego Silang na nagpatuloy nang pag-aalsa ngunit nahuli rin at

binitay.

______________________ 5. Anak ni Lakandula na nagtatag ng lihim na samahan upang ipaglaban muli ang kalayaan

sa mga Espanyol.

______________________ 6. Instrumentong yari sa kawayan na ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong

misyonero noong 1818.

______________________ 7. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang

palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.

______________________ 8. Ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 tungkol sa katesismo at

mga dasal.

______________________ 9. Lumikha ng dibuhong spolarium na nagwagi ng unang gantimpala sa isang patimpalak

sa Espanya.

______________________ 10. Dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesukristo.

______________________ 11. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera.

______________________ 12. Nanguna sa pagsiyasat upang alamin ang kalidad at dami ng ginto sa kabundukan ng

Hilagang Luzon.

______________________ 13. Mga pangkat sa Mindanao na lumaban upang hindi mapasailalim sa kolonya ng

Espanya.

______________________ 14. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masigurong magiging

mapayapa ang kanilang nasasakupan.

______________________ 15. Gobernador Heneral na nag-utos na siyasatin ang mga gintong ibinebenta ng mga

Igorot sa Ilocos.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.