“Alamat ng Lansones”
Isang puno na may bilog-bilog na bunga ang hindi nilalapitan at kinakain ng
mga taga-Laguna. Ang bunga kasi ng puno ay sinasabing may lason.
Napatunayan nila ang bagsik nito nang minsang kainin ng isang dayo ang
bunga dahil sa pagod at gutom. Agad na nangisay ang lalaki at kalaunan ay yumao.
Dumating ang matinding tagtuyot sa Laguna. Wala silang makain. Ang tanging
bungangkahoy lamang sa kanilang lugar ay ang puno na may lason. Kaya naman
hindi pa rin nila ito mapakinabangan.
Isang araw, isang matandang babae ang nanghihingi ng pagkain sa bawat
bahay. Isang bata ang nagbigay nang kaunting pagkain sa babae. Ang hindi nila
batid, isang diwata ang matanda. Tinanong nito ang bata kung bakit ayaw nilang
kainin ang bunga.
Isinalaysay ng bata ang kuwento tungkol sa puno. Sa bisa ng kapangyarihan ng
diwata, hinawakan niya ang mga puno at agad na kumain ng bunga. Nagulat ang
bata at nag-alala para sa matanda.
Ngunit walang anumang masamang nangyari dito. Kumalat sa iba ang balita
at agad rin nilang sinubukang kumain nito. Walang nangyari sa kanila at naging
napakatamis pa ng bunga nito. Hindi na nakaranas ng gutom ang mga taga-Laguna.
Tinawag din nila itong Lasones, mula sa dati nitong pangalang lason.
Ibigay ang mensahe/aral ng Alamat ng Lansones.( 5 puntos).
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Ang aral na natutunan ko ay dapat hindi magtitiwala sa mga tsismis o sabe-sabe na naririnig.
Answer:
wag agad husgahan ang mga bagay na hindi mo pa gaanong alam ang pinagmulan kundi dapat na alamiin mo o pagaralan ang background nito dahil maaring ang bagay na iyong hinuhusgahan ay maaring makatulong sayo.