Answer:Nakatuon ito sa panubok (katutubong sining ng pagbuburda) bilang isang imaheng biswal na nakaugnay sa mas malawak na kalikhaang materyal at kung paano sinasalamin nito ang interaksyon ng mga mamamayan sa kanilang kapaligiran na nagbibigay ng natatanging pagkakakilanlan. Magiging dulog at lapit ng pag-aaral ang paglalapat ng mga impormasyong pangkasaysayan at pangkalinangan upang maihain ang naratibong magbibigay-buhay sa ugnayan ng kalikhaang materyal sa kabuluhan at kahulugan nito sa daloy ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo. Magsisilbing kapamaraanan ang paggamit ng etnograpiya bilang epektibong lente upang saklawin ang diskurso at diskusyon ng kalinangang bundok na malayang naipapahayag sa sining ng panubok.
Answers & Comments
Answer: Nakatuon ito sa panubok (katutubong sining ng pagbuburda) bilang isang imaheng biswal na nakaugnay sa mas malawak na kalikhaang materyal at kung paano sinasalamin nito ang interaksyon ng mga mamamayan sa kanilang kapaligiran na nagbibigay ng natatanging pagkakakilanlan. Magiging dulog at lapit ng pag-aaral ang paglalapat ng mga impormasyong pangkasaysayan at pangkalinangan upang maihain ang naratibong magbibigay-buhay sa ugnayan ng kalikhaang materyal sa kabuluhan at kahulugan nito sa daloy ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo. Magsisilbing kapamaraanan ang paggamit ng etnograpiya bilang epektibong lente upang saklawin ang diskurso at diskusyon ng kalinangang bundok na malayang naipapahayag sa sining ng panubok.