Ang ibig sabihin ng awiting bayan ay mga awitin noong panahon ng ating mga ninuno pero hanggang ngayon ay kinakanta pa rin. Ang mga awiting bayan ay naglalarawan ng pamumuhay at tradisyon ng ating mga ninuno noong unang panahon. Bukod pa rito, ang mga awiting bayan ay galing sa mga iba't ibang bayan ng Pilipinas.
Alamat
Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang mga alamat ay may naibahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.
Epiko
Ang terminong Epiko ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan ng mga pananalita. Karaniwan nang ang tema ng Epiko ay makabayan o sa kasaysayan, maaaring kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay. Ang salitang Epiko ay nagmula sa salitang Griyego na "epos" na nangangahulugang awit. Sa ngayon, ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Bulong
Ang Bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa pilipinas. Ito ay isang panalangin na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa buhay ng tao na maaaring mag tadhana ng kapalaran.
Answers & Comments
Answer:
Awiting Bayan
Alamat
Epiko
Bulong
#CarryOnLearning